Entries for June, 2004
| OSANG, Dra. VICKY at DAGUL?! hollered by schizophrenic at 10:14 AM . |
|
|
DAGUL: Nagsalita na ukol sa PAGBABANGAYAN nina DRA. VICKY at OSANG Kailan lamang ay sumabog ang kontrobersiya ukol sa di pagkakaunawaan ng dalawang dating magkaibigan na ngayo'y mortal ng magkaaway dahil sa tsismis na ipinamalandakan umano ng huli na nagdadalantao ang anak ng una. Ayon sa aking asset, kaya nailantad ni Manay ang balita ay dahil hindi na raw nito napapakinabangan ang batikang talk-show host ng Startalk. Na s'ya rin namang pinatibayan ni Osang ayon na rin sa isang interbyu. Hindi magkumayaw ang galit ni Osang sa kanyang manager na si Manay, at sa batikang dermatologist. Hindi na raw makakain si Greys (ang anak niya) at palagi ng matamlay. Nang siya ay ininterbyu sa kabilang show na the Buzz si Osang, puro maaanghang na salita ang kanyang nabitawan, dala na rin ito ng sobrang hinagpis at awa na nararamdaman niya sa kanyang anak. Ayon naman sa magaling na dermatologist na si Dra. Vicky, hinding-hindi rin daw siya makakapayag na dungisan ni Osang ang kanyang pangalan na pinag-ingatan n'ya at kanyang itinaguyod. Humihingi ang doktora ng isang public apology mula kay Osang upang maayos ang gusot. Ngunit sabi naman ng kabilang panig, hinding-hindi raw niya ito magagawa, dahil anak na niya ang kinalaban n'ya. Sa inyong mga gustong magbigay ng simpatiya kay Dagul, o kaya kay Osang, Manay Lolit o Dra. Vicky, i-click n'yo ang comments link sa ibaba ng artikulong ito, ilagay lamang ang inyong pangalan at mensahe. |
|
|
|
|
| Currently feeling: aggravated | |
| 9 ang na-intriga!! |
|
