Entries for February, 2007

February 5, 2007
MALAKANYANG ULIT
hollered by schizophrenic at 11:26 AM .

ANG ADMINISTRASYONG GLORING at ang BAGONG SANGAY ng GOBYERNO para sa PHYSICAL FITNESS
© 2006 - http://www.tabulas.com/~schizophrenic - JR Garcia

2007 na naman, at nauuso na naman ang mga sakit. Nariyan ang sipon, ubo, panghihina, paglaki ng mga pata't bilbil at katabaan. Ngayong napapalapit na naman ang Marso, t'yak na mapupuno na naman ang mga pagamutan dahil sa init ng panahon na dadalhin ng buwang ito. Kahit na may mga bagong teknolohiya na ay hindi pa rin mapipigilan ang paglaganap ng mga karamdaman lalu't lalo na polusyon, pagkonsumo ng mga makokolesterol, at kakulangan sa pag-e-ehersisyo ang pangunahing problema sa ating bansa.


Si GLORING habang nakikipag-arm wrestling
sa isa sa kanyang mga supporter

Kaya't naman napagdisisyunan ni Pangulong Gloring na bago matapos ang kanyang termino at para na rin may maiwan siyang "legacy" ay bubuo s'ya ng bagong sangay ng Gobyerno na siyang magiging sister-office ng Department of Health. Ito ang Department of Physical Fitness and Body Building. Ayon sa aking asset, si dating Senadora Loi "Ehersisyo" Estrada ang kanyang napipisil bilang kalihim ng nasabing bagong sangay ng gobyerno.

Senadora Loi Ehersisyo-Estrada
Senadora LOI EHERSISYO-ESTRADA in the gym
S'ya ay napipisil ng adminsitrasyon para sa DPFBB

Samu't saring mga reaksyon ang aming naulinigan simula ng kumalat ang balitang ito.

"Palpak talaga ang pamumuno ni Gloring! Akalain mo pati body building pag-aaksayan pa ng panahon?! Isang napakalaking kalokohan 'yang DPFBB na yan!" ani Cheese-Wiz Escudero, isa sa mga kritiko ng administrasyon.

Samantala, pabor naman dito ang manghuhulang si Madam Auring:

"Ang masasabi ko lang, ay maganda 'yang naisip ng administrasyon na pagtuunan ang "Phesical Fetniss at Body Belding". Para maging fit din ang mga tao tulad ko, kaya naman at may asim pa ako. 'Di ba Archie* my lab?!
Sabay humagalpak ng malakas na tawa ang manghuhula.

MADAM AURING
"May asim pa ako!" - MADAM AURING
(*Si Archie ay ang kanyang 21 anyos na boyprend - FYI)

Ayon naman sa isa pang mapagkakatiwalaang source, inuumpisahan nang paunti-unti ang publicity campaign para sa bagong DPFBB, ng sa gayon ay mapalapit sa masa at para na rin makuha ang suporta ng nakakarami. Napapabalita na si Captain Barbell ang kukunin ni Gloring upang mag-endorso ng nasabing bagong sangay ng gobyerno.

Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin namin nakukuha ang panig ni Senadora Loi "Ehersisyo" Estrada ukol sa tsismis na ito.

------------
KOMENTO? BAYOLENTENG REAKSYON? KONTRA?
I-click n'yo lamang ang "____ ANG NA-INTRIGA!" o "MAGSALITA KA!" na link sa ibaba ng artikulong ito at iwan ang inyong pangalan at mensahe.

 


Currently feeling: lazy


5 ang na-intriga!!


« 2006/03 · 2009/08 »

Viewers so far...
ang mga "bigatin" na naka-bisita na sa blog na ito magmula Enero 2007

ang talaarawan ni juan

MGA WALANG KATURYA-TURYANG USAPIN ATING TALAKAYIN.... DISCUSTAMOS ASUNTOS DEL ABSURDO (Spn.).......... DISCUSTIAMO I SOGGETTI DI ASSURDITA (Ita.)......... LASSEN SIE UNS UNSINN THEMEN BESPRECHEN (Ger.)......... BESPREEK ONZINONDERWERPEN (Dut.).........

Ako si Juan aka JR Garcia aka Kawayan McGinley

Ako si Juan. Manunulat. Mahilig sa beer, YangChow fried rice at itlog. Mahilig maki-usyoso. Paiba-iba ang takbo ng utak. Kinayayamutan ang mga telenobela. Interesado sa yoga. Nahuhumaling sa porno na binebenta sa Quiapo. Kape... Yosi... Alpombra... Paborito ang pagtalakay ng mga usaping walang katurya-turya. Ito ang aking blog.

My Supported Organization

People for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of Animals

categories

 

Samu't Sari

ang talaarawan ni juan - mga walang turya-turyang usapin ating talakayin

This Samu't Sari box is still under construction

Ang Siyam na Sulok ng Kompyuter

home + archive + biography + gallery + friends + friends of + favorites + humanzygote + friendster

Special Thanks to the Following

[ Escati ] CLOCK
[ Up4Grabs ] LAYOUT
[ Photobucket ] IMAGES
[ Tabulas ] BLOG HOST
[ FreeCounter ] COUNTER

THOUGHT OF THE HOUR

Religion is like farting, you like your own but hate somebody else's

the writings on the wall

your name:

url:

your message:

Ang Orasan sa Talaarawan

Que hora esta en Manila?