Entries in category "Current News"

February 5, 2007
MALAKANYANG ULIT
hollered by schizophrenic at 11:26 AM .

ANG ADMINISTRASYONG GLORING at ang BAGONG SANGAY ng GOBYERNO para sa PHYSICAL FITNESS
© 2006 - http://www.tabulas.com/~schizophrenic - JR Garcia

2007 na naman, at nauuso na naman ang mga sakit. Nariyan ang sipon, ubo, panghihina, paglaki ng mga pata't bilbil at katabaan. Ngayong napapalapit na naman ang Marso, t'yak na mapupuno na naman ang mga pagamutan dahil sa init ng panahon na dadalhin ng buwang ito. Kahit na may mga bagong teknolohiya na ay hindi pa rin mapipigilan ang paglaganap ng mga karamdaman lalu't lalo na polusyon, pagkonsumo ng mga makokolesterol, at kakulangan sa pag-e-ehersisyo ang pangunahing problema sa ating bansa.


Si GLORING habang nakikipag-arm wrestling
sa isa sa kanyang mga supporter

Kaya't naman napagdisisyunan ni Pangulong Gloring na bago matapos ang kanyang termino at para na rin may maiwan siyang "legacy" ay bubuo s'ya ng bagong sangay ng Gobyerno na siyang magiging sister-office ng Department of Health. Ito ang Department of Physical Fitness and Body Building. Ayon sa aking asset, si dating Senadora Loi "Ehersisyo" Estrada ang kanyang napipisil bilang kalihim ng nasabing bagong sangay ng gobyerno.

Senadora Loi Ehersisyo-Estrada
Senadora LOI EHERSISYO-ESTRADA in the gym
S'ya ay napipisil ng adminsitrasyon para sa DPFBB

Samu't saring mga reaksyon ang aming naulinigan simula ng kumalat ang balitang ito.

"Palpak talaga ang pamumuno ni Gloring! Akalain mo pati body building pag-aaksayan pa ng panahon?! Isang napakalaking kalokohan 'yang DPFBB na yan!" ani Cheese-Wiz Escudero, isa sa mga kritiko ng administrasyon.

Samantala, pabor naman dito ang manghuhulang si Madam Auring:

"Ang masasabi ko lang, ay maganda 'yang naisip ng administrasyon na pagtuunan ang "Phesical Fetniss at Body Belding". Para maging fit din ang mga tao tulad ko, kaya naman at may asim pa ako. 'Di ba Archie* my lab?!
Sabay humagalpak ng malakas na tawa ang manghuhula.

MADAM AURING
"May asim pa ako!" - MADAM AURING
(*Si Archie ay ang kanyang 21 anyos na boyprend - FYI)

Ayon naman sa isa pang mapagkakatiwalaang source, inuumpisahan nang paunti-unti ang publicity campaign para sa bagong DPFBB, ng sa gayon ay mapalapit sa masa at para na rin makuha ang suporta ng nakakarami. Napapabalita na si Captain Barbell ang kukunin ni Gloring upang mag-endorso ng nasabing bagong sangay ng gobyerno.

Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin namin nakukuha ang panig ni Senadora Loi "Ehersisyo" Estrada ukol sa tsismis na ito.

------------
KOMENTO? BAYOLENTENG REAKSYON? KONTRA?
I-click n'yo lamang ang "____ ANG NA-INTRIGA!" o "MAGSALITA KA!" na link sa ibaba ng artikulong ito at iwan ang inyong pangalan at mensahe.

 


Currently feeling: lazy


5 ang na-intriga!!


February 13, 2006
Pres. GLORING!
hollered by schizophrenic at 12:59 PM .

SI GLORING AT ANG MGA KAMATIS

Lots of people think that Gloring doesn't keep her words, they just don't realize that she's as busy as a bee. Wowowee Tragedy, Garci scandal, poor Peso rate, that would seem to take a lifetime. Taking a closer look at her photo during a press conference, her facial expression is very evident that she's not playing games with anyone, now that business was also affected by the on-going chaos... Well it's up to you to rate Gloring: APPROVE or DISAPPROVE?

Hello Hello Hello Garci....Nasaan ang mga kamatis ko?!
"Hello Hello GARCI, Nasaan na ang mga kamatis ko?! NASAAN NA?! Grrrr!"

 


Currently feeling:


7 ang na-intriga!!


December 20, 2004
Si DA' KING, NAPAGKAMALANG PELUKA KING?!
hollered by schizophrenic at 07:07 PM .

Hari ng Pelikulang Pilipino, Napagkamalang Hari ng Pelukang Pilipino
© JR Garcia - http://www.tabulas.com/~schizophrenic

Tila nga may katotohanan ang kasabihang: Ang balita ay lumilipad; ang lupa ay may tenga. Nitong nagdaang linggo, ang mundo ng pinilakang tabing at ng pulitika ay tila nawala ang barrier at nagkaisa, dahil sa isang di inaasahang panyayari. December 14, 2004, sumambulat sa ating mga TV sets na ang "Panday" ay yumaon na. Marami ang nagulat, marami ang nasindak, marami ang nalungkot, at may mangilan-ngilang nangulangot na lamang. Mixed emotions ika nga.

Ang lumalabas na dahilan kung bakit nalagutan ng hininga ang ating bida ay dahil daw sa stroke, kung inyong magugunita, dito nanggaling ang pamosong tagline na "Galaw-galaw baka ma-stroke". Ngunit mayroon ding mga nagdududa kung ito nga ba ang syang dahilan. May mga espekulasyon na nagpapahiwatig ng tunay na pangyayari sa likod nang makapagbagbag-damdamin balitang ito.

Ayon sa mga mananaliksik at mga sikolohista, mayroong dalawang anggulo na nagbibigay linaw sa tunay na kinasapitan ng "Panday". Ito'y as of the moment, nagbibigay kaguluhan ngayon sa mga tsismoso, usisero, at mga panatiko.

Ayon sa aking asset, umatend daw ang "Panday" sa piging para sa kaarawan ni Bentong na ginanap sa Fiesta Pavillion ng Manila Hotel. Maraming pagkain at maraming oras na sayawan, kantahan, at inuman. At ano nga ba ang isang bertdeyan kung wala ang parlor games.. Dito rin ang nagbigay hudyat sa pangyayari na ikinalungkot ng industriya ng showbiz.

Sumali raw diumano ang ating bida sa isang stop-dance sa indayog ng tugtuging "Bet a Funky Music White Boy". Sa kaligitnaan ng parlor game na aking nasambit, habang sila'y naka "stop", ay tila namulikat ang buong katawan ng ating bida. Ang akala ng lahat ay nanggu-goodtime lang ang Da King, ngunit mayroon na palang kahindik-hindik na nagyayari. At nang pinatugtog na ang musika, ay sinisigawan na s'ya ng "Galaw! Galaw!", ay huli na ang lahat. S'ya ay istedi na lamang at di na gumagalaw sa kinatatayuan. S'ya ay, sa kasamaang palad, nai-stroke. At kaagad-agad din s'yang isinugod sa Makati Medical Center.

Ayon naman sa isang di mapagkaka-tiwalaang source, kaya raw inatake ang Hari ng Pelikulang Pilipino, ay napagkamalan s'yang Hari ng Pelukang Pilipino, o mas kilala sa pangalang Eddie Gil, isang premyadong aktor. Ito ay s'ya namang ikinagalit ng ating bida na s'yang nagbigay ng dahilan upang manikip ang kanyang dibdib at lumala kinalaunan bilang stroke. Agaran din naman siyang isunugod sa Makati Med. Ngunit alin nga ba sa mga teoryang ito ang makakapagsabi sa totoong insidente na ito?...

Ang mundo ng pinilakang-tabing ay napakaraming sikreto na hangad ng lahat na mabunyag. Ang pangyayaring ito, ay nagbibigay sa sambayanan ng isang malaking katanungan. Ano nga ba ang nangyari sa likod ng mga balitang lumalaganap. Ano ang tunay na dahilan sa pagpanaw ni "Panday"?



© JR Garcia a.k.a. Kawayan McGinley - http://www.tabulas.com/~schizophrenic

-----

Sa mga taong may alam sa totoong nangyari na nais maglahad; sa inyong mga komento at suhestiyon, sa mga gustong makisentimyento o dili kaya'y lumait, i-click lamang ang "__ got stunged sa ibaba ng artikulong ito at iwan ang inyong pangalan at mensahe.

 


Currently feeling: crappy


13 ang na-intriga!!


« Newer · »

Viewers so far...
ang mga "bigatin" na naka-bisita na sa blog na ito magmula Enero 2007

ang talaarawan ni juan

MGA WALANG KATURYA-TURYANG USAPIN ATING TALAKAYIN.... DISCUSTAMOS ASUNTOS DEL ABSURDO (Spn.).......... DISCUSTIAMO I SOGGETTI DI ASSURDITA (Ita.)......... LASSEN SIE UNS UNSINN THEMEN BESPRECHEN (Ger.)......... BESPREEK ONZINONDERWERPEN (Dut.).........

Ako si Juan aka JR Garcia aka Kawayan McGinley

Ako si Juan. Manunulat. Mahilig sa beer, YangChow fried rice at itlog. Mahilig maki-usyoso. Paiba-iba ang takbo ng utak. Kinayayamutan ang mga telenobela. Interesado sa yoga. Nahuhumaling sa porno na binebenta sa Quiapo. Kape... Yosi... Alpombra... Paborito ang pagtalakay ng mga usaping walang katurya-turya. Ito ang aking blog.

My Supported Organization

People for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of AnimalsPeople for the Ethical Treatment of Animals

categories

 

Samu't Sari

ang talaarawan ni juan - mga walang turya-turyang usapin ating talakayin

This Samu't Sari box is still under construction

Ang Siyam na Sulok ng Kompyuter

home + archive + biography + gallery + friends + friends of + favorites + humanzygote + friendster

Special Thanks to the Following

[ Escati ] CLOCK
[ Up4Grabs ] LAYOUT
[ Photobucket ] IMAGES
[ Tabulas ] BLOG HOST
[ FreeCounter ] COUNTER

THOUGHT OF THE HOUR

Religion is like farting, you like your own but hate somebody else's

the writings on the wall

your name:

url:

your message:

Ang Orasan sa Talaarawan

Que hora esta en Manila?